200 - Upang Malapit sa Diyos

Upang malapit sa Diyos
Kailanga'y ilaw
Na aakay sa akin sa
Kordero kong mahal.

Magbalik, O Kalapati,
Matamis na sugo;
Suklam ako sa mga salang
Sa 'Yo'y naglalayo.

Oras ng kapayapaang
Minsa'y kinas'yahan!
Nguni't kahungkaga'y naiwan
Na di mapupunan.

Anumang diyus-diyusang
Pinakamahal,
Tulungan Mong mawasak ko
Sa trono mong mahal.

0:00 0:00